I haven't posted anything for a while. As usual blocked parin ang tabulas sa office at wala parin internet connection sa apartment. Saka nalang siguro kapag mas maaasahan na ang laptop na gamit ko. Ano na nga bang balita.
Maliban sa ako'y isang certified regular employee na at work, wala naman masyadong nag-iba. I just now get to work with a bunch of new people. Okay naman the team I'm in now, performers. Nakakasabay rin naman kahit papano if not for the attendance issues that I'm trying to work on now. May initiative yung mga tao at hindi mo na kailangang sabihan. In short, magaan sa pakiramdam ang trabaho, kahit pasumpong sumpong ang feeling ng pananawa. Medyo kumalma narin kame sa Davao plans. Medyo nagsubside ang excitement pero for sure babalik yon pag malapit na ang araw na yon.
.................
Naalala ko yung sabe ni BJ nung isang araw, masarap ang bawal, habang nagrereklamo si Barang na masakit ang tiyan niya, malamang dahil sa kinain niyang isaw, eh may amoeba-shit tong si Barang at bawal nga sa ganon. Napag-isip isip ko tuloy yung nangyari nung isang linggo...
Habang nagdodownload ng psp games at movies biglang nag-ring ang telepono. Hindi na ako naexcite na sagutin yon dahil wala namang tumatawag saken. Pero sinagot ko paren, baka kako para kay brotherhood na sumesenyas na sabihin kong wala siya.
"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee" isang mahabang tiling umabot yat hanggang kabilang bayan ang pinakawalan ko. Itago naten siya sa pangalang "bebe oyl". Matagal-tagal narin kaming hindi nagkakausap. Ang amin, kumbaga sa Biology chorva relationships ay symbiosis. Easy lang, walang parasitism na nagaganap, mutual lang.
Nagkayayaan uminom at lumafang ng spaghetti, gawa ng nagluto ako for dinner. Yon ay pasado alas-dose na ng madaling araw. Okay naman, konting landian at sinigurado kong ang renda ko sa sarili ko'y intact at hindi ako makakawala. Kasabay ng paghihiwalay namin ni Ex ay ang katapusan ng kaniyang 5-6 year single-blessedness. Kumbaga, siya ang aking "the one who got away".