This week, I realized kung gaano kababaw ang mga pinoproblema ko kesa sa pinuproblema ng ibang tao. May mga oras na pakiramdam ko pinagsukluban na ako ng langit at lupa pero kung iisipin ko, mas malaki ang mga problema ng mga taong nakapaligid sa akin. Siguro nga kahit paano meron akong purpose, ang subukang pagaanin ang mga bagay para sa mga taong malapit sa akin.
May pasok pa ako bukas pero bakit gising pa ako?!?
I was giving mama a massage kanina. Nakapikit lang siya coz she was so tired spending the day with my younger brother, Kem, sa Sacre for the BULPRISA. Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Huli kong pinagmasdan ang mukha niya ng matagal ay hindi pa ganoon karami ang kulubot sa kaniyang mukha. Pinawi ng kung ilang taon ng pagsasakripisyo't pagmamahal ang kaniyang ningning at kagandahan tulad ng sa isang bituin sa kalangitan.
I made sure she'd feel better. I was almost sent to tears when I had flashes of how great a mother she was and still is. Ang hirap nga talaga maging nanay. Kinumutan ko siya at hindi ko napigil na yakapin siya ngmahigpit.
I dread the thought of me without her. Not because I'm afraid of the responsibilities of me being the eldest but because I always seek strength from her. Kaya naman, ma, steady ka lang diyan.
*************************************
As usual:
Kapiranggot at tinga ng mahaba-habang huntahan namin ni greenlife. Kasing bitter parin ng ampalaya, yun nga lang di kasing kulubot. Kamown!
Ngunit, pero, subalit, datapwa:
Ayun naman pala eh! Kaso today lang daw magiging attractive. I'ma shake my booty thang!
{ music } Natasha Bedingfield's Soulmate
{ mood } worried
Written by missO at 04:35 PM.
2 pendong!


badjawong

im a creep (guest)