

{ music } makating A/C at Bed ni Jay Holiday
{ book } blaugh.com comics
{ show } ang pagkain ng araw ng katanghalian sa buong pasig
Written by missO at 11:56 PM. Filed under si mang RANDOM....
Napakaraming lumipas na pagkakataon kung saan kinailangan kong makipaghuntahan sayo tabulas kong mahal. Ngunit dahil sa kawalan ng ligal na internet connection sa office, matumal pa sa tag-araw ang panahon ko para sayo nitong nagdaang tag-ulan. Kaya naman ngayon, hayaang mong busugin, bundatin at libugin kita sa marami-raming kwentong alam kong namiss mo na.
Saan nga ba ako magsisimula...
*Lipat-bahay.
Sa wakas ay nakalipat narin kami ni Madocs ng bahay. Masayang magplano ng pagdedecorate, pagli-lay-out ng kung anong gusto naming mangyari sa bahay. Unang linggo'y halos ikamatay namin ang kaboringan.
("Binayagan ang bagong bahay" night.)
Walang kahit anong mapag-lilibangan. Pero kahit paano'y naging daan ito upang magkakilanlan kami ng lubos. Kwentuhang, pamilya, lovelife, sarili at kung ano-ano pa. Hanngang sa wakas ay dumayo kami ng Raon at namakyaw ng cable ready TV, DVD/VCD/Videoke/Music player via USB/microwave oven/ oven toaster. Puahahaha. Lahat yata ay kayang gawin ng bagay na yon.
Opo, siya po ay blue.
*Bagyong Ondoy at Lupit.
Higit pa sa "pasasalamat" ang nararapat at hindi kami napaano ng mag-trip ang bagyong Ondoy. Walang kuryente noon at oo, sumuong kame sa baha para bumili ng pagkain, pero bale-wala ang lahat ng iyon habang pinakikinggan namen ang balita sa radyo. FM yun actually, Jam, nakalimutan ko yung saktong frequency. Pero saludo ako sa dalawang DJ na yon, walang tugtugang naganap, walang commercial, dada lang sila ng dada ng mga panawagan. May nagsisitawagang nag-iiyakan, mga taong nag-aalala sa mga na-stranded na kamag-anak at nagpapa-rescue narin. Meron pang isang taga-Marikina na nagpapatulong kumontak ng funeraria gawa ng andaganan ng pader ng bahay ang padre-pamilya. Grabe ang dinulot ng bagyong Ondoy na 'to, at heto pa nga't may mga nagbabadya pang parating na mga ilang bagyo.
Nag-aalala ako para sa mama't mga kapatid ko ng gabing yon gawa ng nasa apartment ako't silay nasa Bulacan. Although alam kong mataas na ang kinatitirikan ng bahay namen, hindi ko parin makuhang hindi mag-alala. Alam kong nag-aalala narin si mama gawa ng panay Marikina, Pasig at Cainta ang laman ng balita. Kinaumagahan ko nalang napag-alaman na binaha ang mga karatig Phase ng subdivision namen, yung mg nasa mababang areas. Kahit paano'y nagawa ko paring kamustahin si EX pero sadyang ako'y kaniyang dinedma. Keber.
(The last time I think this happened was when I was in 3rd grade, and now I'm 23.)
(photo via:http://www.youtube.com/watch?v=MyxkUIrzPak)
Ano bang kajungakan ang naisip ng PAGASA at nagsusuggest sila ng mga pangalan ng bagyo gaya ng LUPIT? Kesyo nagbibigay raw sila ng 10 suggestions at nagkataong ito ang napili. Why suggest it anyway? Tila nag-iimbita ng kung anong kamalasan!
*Ang PSP
Matagal-tagal ko naring gustong bumili at sa wakas nga ay nagkaroon na ito ng katuparan. Kasama si Ixa, ang nakababata kong kapatid ay sumugod kami sa Greenhills at ilang oras ding nag-scout para sa pinakamurang PSP. At hayun, ilang minuto ko itong ininspeksyon at kagyat ay binayaran, pinadownloadan, dinamitan at kinalkal ko ito. Sa wakas ay may baul na ko ng tugtugan at laro panlaban sa matindi-tinding kabagutan.
*The Vilma Movie.
Matapos ang paglost ko ng 10 pounds sa Greenhills ay dumerecho kami sa gamol para kitain si Radj. Birthday pa niya nung September ng huli ko siyang makita kaya naman napag-pasyahan nameng mag-bonding at mag-Vilma movie. Nakakatats at tila nangyayari naman talaga sa kasalukuyan ang lahat ng ito. Para nga lang joke ang pagka-deds ni Lucky sa movie.
*Alamat ni Terry Goodkind.
Ako'y kasalukuyang nasa ilalim ng pang-aakit ng mga karakter ni Terry Goodkind. Gawa ito ng pangrerecruit ni Madocs kaya naman sabe ko'y dapat may porsyento siya sa bawat taong mapapa-basa niya nito. Sword of Truth. So far, gusto ko ang takbo ng kwento. Excited na akong matapos ito, ngunit ang libro sa libro vs PSPng labanan ay tila kita na kung sinong dehado sa laban.
(http://en.wikipedia.org/wiki/The_Sword_of_Truth)
*Wawawiwaw, Dabaw!
Bigla nalang kumalat sa office e-mail ang blahblah-ng seat sale ng cebupac at kinalaman-laman ko ay nagpa-book na ang mga hitad, walang plano, walang kahit ano. Ni wala ngang may alam kung ano meron dun. Pero ito ay nagdulot ng kakaibang jumpy feeling sa akin kaya nakisali na ako sa kanila. Lagpas isang buwan pa bago ang nasabing lakad pero kung ano-ano na ang naisip ko gawa ng itinerary'ng ito:
DAY 1 Arrival
8-hr Eden Nature Park/City Tour (10am-6pm)
Night Out/Dinner Date
DAY 2 white water rafting with Zip Line(830am-430pm)
Libot-libot/market time/souvenir shopping
DAY 3 Beach/Snorkeling/Kayaking (8am-3pm)
last minute shopping
Rest/Pack up
Off to airport (7pm)
PLACES TO VISIT: Philippine Eagle Center / Museo Dabaw / Lon Wah Buddhist Temple / Puentespina Orchid Garden /Durian Candy factory / Jack's Ridge / Shrine of the Holy Infant Jesus of Prague / Aldevinco Shopping Center / Crocodile Park
So psyched to try this: (Pinanghahawakan ko ang pangako ni Martha na keri lang kahit dehins ka marunong lumagoy dahil naka-life-vest at magflu-float ka naman daw. Huhuhuhu/)
*Shopping for the trip.
Prepping for the trip's what excites me. Getting a diaper bag for a weekender, a sexy SnowCat lomo, a black all set-for-travel shouldie and a hiking sandals/shoe, I think, excites me more than the trip. Hehhehe.
Facebook Status:
Happiness is a choice. A state of mind. I believe it. Wala namang ibang pinanggagalingan ang kaligayahan ko ngayon kundi sarili ko lang. Everyone in the family's safe as well as friends and other loved ones, a body to die for, an awesome housemate, great padyak-tawa team, a later work sched, 5-6 edits a day, a good-paying job, and the list goes on. I wish I could thank you, more than I could thank you, Lord.
I know, to ask this is too much, and at times, I may not be even close to sane, but I wish you'd give me more mornings... So I could wake up a couple of more times, realize how lucky I am, share my blessings, breathe, walk, sing, talk, see, write, love and do what I do for you.
Thanks for the gift of love and life, MAH MAN!
Written by missO at 03:43 AM.
...ay namulat sa isang talamak nang katotohanan habang niyayakap ng nakasisilong ulap ng kamunduhan: POSIBLE. Ang lahat ay POSIBLE.
First thing I did was update my Facebook status. Last time I got to go online was when Jose Rizal asked Josephine Bracken to go out clubbin!
Marami ng nangyari at lahat ng ito, one way or another ay tiyak na lalong nagpasaya, nagpabaliw at nagpamahal sa akin lalo sa mundo at lahat ng nakikiikot dito.
*** Matapos magpakagoojab sa pagkain ng masarap na ginisang cauliflower, repolyo at broccoli, ako'y inatake ng matinding antok gawa marahil ng puyat at pagod. Ipagpapatuloy ang pakikipaghuntahan pagka-recharge.***
Written by missO at 05:50 AM.
Currently checking out MacBook Air here sa Digital Hub sa Greenhills. Sobrang lightweight and compact. Haaay, I'm so in love...
{ music } love bug... ngek!
{ book } itouch price list
{ mood } accomplished
Written by missO at 04:16 AM.
This week, I realized kung gaano kababaw ang mga pinoproblema ko kesa sa pinuproblema ng ibang tao. May mga oras na pakiramdam ko pinagsukluban na ako ng langit at lupa pero kung iisipin ko, mas malaki ang mga problema ng mga taong nakapaligid sa akin. Siguro nga kahit paano meron akong purpose, ang subukang pagaanin ang mga bagay para sa mga taong malapit sa akin.
May pasok pa ako bukas pero bakit gising pa ako?!?
I was giving mama a massage kanina. Nakapikit lang siya coz she was so tired spending the day with my younger brother, Kem, sa Sacre for the BULPRISA. Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Huli kong pinagmasdan ang mukha niya ng matagal ay hindi pa ganoon karami ang kulubot sa kaniyang mukha. Pinawi ng kung ilang taon ng pagsasakripisyo't pagmamahal ang kaniyang ningning at kagandahan tulad ng sa isang bituin sa kalangitan.
I made sure she'd feel better. I was almost sent to tears when I had flashes of how great a mother she was and still is. Ang hirap nga talaga maging nanay. Kinumutan ko siya at hindi ko napigil na yakapin siya ngmahigpit.
I dread the thought of me without her. Not because I'm afraid of the responsibilities of me being the eldest but because I always seek strength from her. Kaya naman, ma, steady ka lang diyan.
*************************************
As usual:
Kapiranggot at tinga ng mahaba-habang huntahan namin ni greenlife. Kasing bitter parin ng ampalaya, yun nga lang di kasing kulubot. Kamown!
Ngunit, pero, subalit, datapwa:
Ayun naman pala eh! Kaso today lang daw magiging attractive. I'ma shake my booty thang!
{ music } Natasha Bedingfield's Soulmate
{ mood } worried
Written by missO at 04:35 PM.






